Hindi na dapat magtaka ang mga pulis kung makikita ang kanilang bossing na nakasuot ng bullet-proof vest kahit wala namang sinsamahang operasyon.
Nagdududa kasi si General Libido na baka bigla na lang siyang bumulagta sa loob mismo ng kanyang teritoryo.
“Ha? Bakita naman?” sabay-sabay na tanong ng mga Mimosa sa Barangay.
Ito palang si General Libido ay bisyo ang magbukas ng mga “kabibe” pero ang sinisid pala niyang perlas ay mayroong may-ari.
At dito na pumasok ang agam-agam ni General Libido na baka bigla na lang may bumaril sa kanya.
Kasi nga naman, ang latest pala sa idinagdag niyang koleksyon ng mga perlas ay unipormado ang jowa.
Gwapong-gwapo siya sa sarili niya at mas busy sa kanyang mga tsitsing kaysa gampanan ang kanyang pagiging law enforcer.
Clue:
Kung chess ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang lahi ni General Libido.