Tiniyak ni European Commission President Ursula von der Leyen na suportado ng EU ang Pilipinas sa pagtataguyod ng 2016 arbitral ruling na pumabor sa bansa laban sa pangangamkam ng China sa mga teritoryo sa West Philippine Sea
“The European Union underlines that the 2016 award of the arbitral tribunal on the South China Sea is legally binding and that it provides the basis for peaceful resolving disputes between the parties,” ayon kay Von der Leyen matapos makipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malakanyang kamakalawa ng gabi.
“We are ready to strengthen the cooperation with the Philippines on maritime security in the region by sharing information, conducting threat assessment and building the capacity of your National Coast Watch System and your Coast Guard,” dagdag niya.
Sa joint statement matapos ang kanilang bilateral talks ni Marcos Jr., sineguro ni Von del leyen na nakahanda ang EU na palakasin ang kooperasyon sa Pilipinas kaugnay sa maritime security sa rehiyon sa pamamagitan ng “sharing information, conducting threat assessment and building the capacity of your coast guard.”
Binigyan diin niya na ang landscape ng geopolitics ng mundo ay nagbabago at nagiging mas mapanganib.
Ani Von der Leyen, may common interest ang EU at Pilipinas para sa isang “free and open Indo-Pacific, “at may komitment sila sa pag-iral ng “rules-based international order.”
“Security in Europe, and security in the Indo-Pacific is indivisible. Challenges to the rules-based order in our interconnected world affect all of us.”
Nababahala aniya ang EU sa tumataas na tensyon sa rehiyon kaya’t kasado sila sa pag-ayuda sa Pilipinas para tugunan ang mga hamon.