Siguradong maaatat si Metro Manila police chief Jose Nartatez Jr. na mahubaran kung sino ba itong general niya — as in general problem – na araw at gabi ay walang inatupag kundi ang maghanap ng “mapuputukan.”
“Paldahan mo ang poste, yari kay DD,” anang isang lespu, na lagi daw puyat sa pagsundo sa mga bubaita ni Sir, na linggo linggo daw magpalit ng TB (target babe). Misappropriation of government resources yarn, sir!
Minsan nang sinabi ng noo’y PNP chief Gen.Guillermo Eleazar na sandamakmak na pulis ang ipinapatawag niya para papanagutin sa kanilang pagiging “barako” na iniiwan na luhaan ang mga nabola — walang pangkain at panggatas.
Ayon kay Eleazar, hindi daw kukunsintihin ng PNP ang “indiscriminate firing” na ginagawa ng mga pulis na tulis. Okay, hindi naman ngongo ang pagkakasabi ni Eleazar diyan ano?
Pero mabalik tayo dito kay general libido na gwapong-gwapo sa sarili niya. Mag-iisip kayo kung may nagagawa pa ba itong trabaho sa dami ng oras na inuubos n’ya sa kanyang mga tsitsing.
Well, hindi na tayo magtataka kung ma-involve si Sir sa tunay na putukan one of these days at bigla na lamang bumulagta.
Wala na kasing sinasanto si Sir at pati kabaro ay tinatalo. Ipaligo mo kaya yan, General?
###