Hindi ikinaila ng aktres na si Katrina Halili na talagang sobrang istrikto siya at super protective siya pagdating sa kanyang nag-iisang anak na si Katie at ayon sa aktres ay namana niya raw ang diskarte at istilo ng kanyang nanay pagdating sa pagpapalaki at pagdidisiplina sa anak na naranasan nga niya noong bata pa siya.
Natanong kasi ang aktres kung mahigpit din ba siya sa pagpapalaki kay Katie.
“Actually, parang kagaya ako ng nanay ko, sobrang strict, sobrang protective. Ganoon ‘yung mama ko sa akin. Sobrang strict, sobrang protective at ganoon ako sa anak ko ngayon,” saad ng aktres.
“Pero open kayo, nag-uusap kayo ng anak mo?” saad ng isang nagtanong.
“Yes, oo. Kasi kami ng mama ko like sinasabi ko naman before na hindi kami masyadong close ng mama ko, hindi kami nag-uusap ganyan. Kaya ngayon, ina-apply sa anak ko na kailangang mag-usap kami, kung mapagalitan ko man siya, kakausapin ko siya ng malumanay. Hindi pwede ‘yung sigaw, sigaw, sigaw. Kasi, mas pipiliin ng anak ko na kausapin ‘yung iba kesa ako, gusto ko ako,” sabi ni Katrina.
Sa panayam naman niya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nakamusta ang aktres sa naging experience niya sa pag-attend sa naganap na GMA Gala 2023 last Saturday.
“Actually at first po talagang kinakabahan ako, ayaw ko talagang pumunta. Siyempre wala naman akong choice, nasa Manila ako, so required akong pumunta. Pero pagdating ko doon sobrang saya ko, kasi nakita ko lahat ang mga co-workers ko na hindi ko na nakikita before, mga creatives, director, mga kaibigan ko,” saad ng aktres.