Aminado ang aktres na si Andrea Torres na wala siyang qualms pagdating sa pakikipagkaibigan sa mga dati niyang nakarelasyon at ayon sa dalaga, wala naman siyang nakikitang problema dito.
Sa nakaraang panayam sa dalaga ng King of Talk na si Boy Abunda, naungkat ang working relationship nila ng dati niyang nobyo na si Sef Cadayona ngayong co-actors sila sa upcoming Kapuso primetime series na Love Before Sunrise.
“Actually, Tito Boy, wala po kaming masyadong eksena dito [na magkasama]. Parang dalawa pa lang yata. Pero in Bubble Gang, Tito Boy, mas nakaka-work ko siya doon regularly,” sabi ni Andrea.
Dagdag pa niya, wala rin daw awkwardness between them kapag magka-eksena sila.
“Wala po. Sobrang normal lang kami, Tito Boy, na minsan nga iba [tao] na ’yong gumagawa ng issue [tungkol sa amin]. Pero kami, parang wala namang anything. Wala namang ilang or anything,” saad ng dalaga.
“Ideally po kasi may pinagsamahan naman din po kayo. Hindi naman ako naniniwala, Tito Boy, na dahil hindi kayo nag-workout kailangan magkagalit na kayo. Kasi may time sa buhay n’yo na prinotektahan n’yo ang isa’t isa, minahal n’yo ang isa’t isa, kahit na ang mga family ninyo,” dagdag pa niya.
At nang matanong naman siya if she’s in a relationship right now, sinabi ni Andrea na single pa rin siya at this point at hindi rin naman daw siya naghahanap ng makaka-relasyon sa ngayon pero nagpahiwatig siya na open siya kung sakaling dumating ito at kumatok sa pinto niya.
“Hindi nga, Tito Boy. Sumobra nga ako sa pagka-home buddy, e. Hahaha! Pero naniniwala po ako na may season talaga for that, e,” saad ni Andrea. “Hindi mo siya kailangang hanapin. Like ako, home buddy ako. Kung time ko na talaga na ma-meet ang the one ko, maybe sa isang punta ko sa grocery nandoon pa rin siya.”
Sa ngayon naman daw ay happy and honored siya na kabilang siya sa teleseryeng pagbibidahan nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.