May pagkakataon na makagawa ng kasaysayan sa larangan ng boxing si Marlon Tapales kung saan magtatangka siyang maging undisputed champion ng super bantamweight division, isang bagay na hindi nagawa even ni eight-division world champion at boxing icon Manny Pacquiao.
Kung sakasakaling talunin ni Tapales si Japanese prized-fighter, siya ang magiging kanaunahang undisputed Filipino world champion.
Halos kasado na ang labang Tapales-Inoue kung saan inaasahan silang maghara sa 55,000-seater Tokyo Dome sa unang Linggo ng Disyembre.
Kamakailan lang, nasungkit ni Inoue ang kanyang pang-apat na titulo kung saan ginulpi niya ang dating walang talo na si Stephen Fulton sa eight rounds at mapanalunan ang World Boxing Council at World Boxing Association super-bantamweight belts sa Ariake Arena nitong Martes lang.
Pero nais ring maging undisputed champion ni Inoue san kanilang nalalapit na laban ni Tapales, na nanood sa laban ng Japanese slugger laban sa kanyang Amerikanong katunggali.
Hawak ng Filipino boxer ang mga titulo sa World Boxing Association at International Boxing Federation.
Interesado si Inoue na kanyang makaharap si Tapales.
“It’s 90 percent,” ang sabi JC Mananquil na kasalukuyang pinaplantsa ang mga detalye ng kanilang napinpintong pagharap kay Inoue.