Naniniwala ang mayorya ng mga Pinoy na kapos ang kampanya ng gobyerno para labanan ang korupsyon.
Ayon sa resulta ng survey ng Pulse Asia, ikinokonsidera ng 84% ng 1,200 Pinoy ang sumasang-ayon na kailangang palakasin ang mga ahensiya ng pamahalaan, mga batas at mekanismo para labanan ang katiwalian.
Dati nang nagkaroon ng rekomendasyon na dapat magkaroon ng isang ahensya lamang na nakatuon lamang sa anti-corruption na may “fiscal autonomy” at hindi maiimpluwensyahan ng politika, ayon kay Pulse Asia President Dr. Ronald Holmes.
Dati na aniyang nairekomenda ito sa mga nakaraang administrasyon ngunit hindi ginawa.
“Perhaps, this administration would take on and follow through,” aniya.
Kasama rin sa survey ang katanungan kung ano ang tatlong pinamakalaki ang epekto ng korupsyon sa publiko
Animnapu’t pitong porsiyento ang kombinsidong dahil sa korupsyon ay nawawala ang gtiwala sa mga opisyal at serbisyo ng gobyerno; 47 % ang naniniwalang tila nagiging normal na ang tingin sa katiwalian sa pamahalaan; at 44% ang nagsabing nagreresulta ito sa palpak na paghahatid ng serbisyo.
“Forty-two percent said there’s abuse and intimidation by members of the government; 40 percent said there’s less public funds devoted to addressing social issues such as poverty, health care, and employment; 31 percent believe there’s less competitive business employment; 12 percent said there’s substandard infrastructure; and 10 percent believe there’s a loss of money due to bribes.”
Sakaling makontrol ang korupsyon, naniniwala ang 40% ng mga Pinoy na makakabangon at uunlad ang ekonomiya, 23% ang nagsabing gaganda ang buhay ng ordinaryong mamamayan at 14% ang naniniwalang magbibigay daan ito sa maayos na pagpapatupad ng batas.
Giit ni Holmes, ang graft and corruption ang sa tuwina’y sakit ng ulo ng mga Pinoy.