Umaasa ang Teachers Dignity Coalition (TDC) na mas maramdaman si Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd)
“Siguro po kailangan pang mas maramdaman ng ating mga teachers ang ating VP especially the chief, the VP, mas maramdaman po sa DepEd,” sabi ni Benjo Basas, Teachers Dignity Coalition national chairman sa panayam sa The Chiefs sa One PH kagabi.
‘So far naman po at least yung kanyang team ay responsive naman po at nagkakaron naman kaming mga consistent na paguusap with some usecs and some bureau chiefs. Nasasabi naman namin yung gusto namin sabihin, kasama naman minsan yung aming agenda sa kanilang tinatalakay,” dagdag niya.
Nabigo aniya ang mga guro sa inaasahang mabibigyan pansin sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Medyo nabigo po kami dahil wala pong binanggit tungkol sa welfare ng ating mga guro at yung mga budget ng mga bagay na kayang bigyan ng immediate na reaction ng executive ay hindi rin po nabanggit sa SONA,” sabi ni Basas.
Inaasam nilang marinig sana sa SONA ni Marcos ang direktiba sa Department of Education (DepEd) na pagbabalik ng Philippine History sa curriculum.
“Hindi rin po nabanggit sa SONA gaya ng isa naming hinihingi ano that isyung Philippine history ibalik ano sa curriculum. Kasi the DepEd can do it pero siyempre iba pa rin kung marching order ng presidente,” wika ni Basas.
Habang para sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), hindi na nakagugulat ang kawalan ng interes ni Marcos Jr. sa sektor ng edukasyon dahil hindi naman ito kasama sa priority legislation niya.
“It is evident that education is not the primary focus of this administration, as President Marcos Jr. avoided providing specific plans and targets to address education shortages, salary increases for teachers and education workers, and a higher budget allocation for education,” anang ACT sa isang kalatas.