Dismayado ang environmental network na Protect VIP sa hindi pagbanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa napakalaking oil spill sa Mindoro Island sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
“We are surprised that President Marcos chose not to mention the first major environmental disaster his administration confronted in his State of the Nation Address (Sona), five months after the oil spill began,” sabi ni Padre Edwin Gariguez, Lead Convenor ng Protect VIP.
Dati nang nangako si Marcos Jr. na lutasin ang oil spill sa loob ng apat na buwan.
Itinuturing ni Gariguez ito bilang pag-amin ng Pangulo na hindi natupad ang kanyang sariling deadline.
“Is the plight of more than 24,000 fisherfolk not worth mentioning, or is the oil spill now a crisis forgotten?” tanong niya.
Sa kanyang SONA ay sinabi ni Marcos Jr ang pagnanais na isama at palakasin ang pagsusuri na nakabatay sa agham” sa sektor ng pangisdaan.
Gayunpaman, iginiit ng Protect VIP ang disconnection sa pagitan ng pahayag na ito at ang kasalukuyang mga kondisyon ng mga tubig na apektado ng oil spill sa Verde Island Passage.
Ani Gariguez na noong nakaraang buwan, ang oil spill recovery operations ay idineklara ng Philippine Coast Guard na “kumpleto”, sa kabila ng nakikitang bakas ng langis sa baybayin ng Pola at Pinamalayan.
“The fishing ban in the entire Oriental Mindoro was lifted without transparency to fisherfolk, communities, and the consuming public on the basis of determining the safety of doing so,” aniya.
Binigyang-diin ni Gariguez ang patuloy na adbokasiya ng Pangulo para sa isang ‘whole of society” na diskarte sa pagtugon sa mga hamon.
Hinimok niya Pangulo na ipagkaloob ang komitment sa mga sakuna sa kapaligiran tulad ng patuloy na oil spill, isang krisis na inilalarawan niya bilang malayo pang matapos.
“We continue to stand with impacted fisherfolk and communities,” sabi ni Gariguez.