Lumahok ang dalawampu’t isang kabataan sa inilunsad na poster making at mobile photography contest bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month sa Boac, Marinduque.
Ang taunang selebrasyon na may temang ‘Bidang Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-Being towards Disaster Resilience’ ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at dinaluhan ni Vice Mayor Mark Anthony Seño.
Ayon kay Seño, ang mga gawaing nakahain para sa buong taon ay lilikha ng kamalayan sa bawat isa kung saan ang mga aktibidad na isinagawa ay nagpagpapakita ng kahalagahan ng pag-iingat at pagiging matatag sa hamon ng buhay lalo na tuwing may kalamidad.
Hinimok din ng bise-alkalde ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na ipagpatuloy ang programa, pagsasanay at pagpapalaganap ng impormasyon sa 61 barangay na nasasakupan ng munisipalidad ng Boac nang sa gayon ay magkaroon ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Office (BDRRMO) ang bawat pamayanan.
Inaasahang iaanunsyo ang winners ngayon.
(PIA)