Binatikos ang Kapuso actress na si Beauty Gonzales matapos magsuot ng antigong alahas mula sa ‘death mask’ ng mga labi ng sinaunang tao sa Butuan at Surigao sa kanyang pagrampa sa GMA Gala 2023.
Binansagang “grave robber” ang aktres ng isang independent art curator at cultural critic na si Marian Pastor Roces sa isang Facebook post.
“Someone tell this woman that the orifice covers she is paying ‘homage’ to are grave robber stuff. Because if these were legally excavated, the pieces would belong to the National Museum or the Bangko Sentral,” sabi ni Roces.
Ayon sa cultural critic, maituturing na “fashion victim” ang aktres at illegal ang pagkakahukay sa mga ipinagmamalaki niyang alahas.
“Sure, the owners have been dead for a thousand years. BUT.
This fashion victim is wearing mouth and eye covers: around 10 of them. Which is to say that the necklace was fashioned from excavations of many individuals. That is an astounding number of desecrated graves!”
Isang tradisyon ng mga Bisaya na magtapal ng ginto sa mukha ng kanilang mga yumao.
Nananatiling malaking katanungan kung bakit magsusuot ang aktres ng alahas na nanggaling sa mga bangkay.
Ayon sa aktres, taon ang ginuguol niya sa pagkolekta ng bawat pirasong ginamit sa kaniyang alahas na binuo ng kaniyang paboritong jeweler na Riqueza Fine Jewelry.
“My look for #GMAGala2023 is an appreciation for Philippine Ancestral Gold,” pagmamalaki ni Gonzales sa kaniyang Instagram post.
Mahigit sampung ginto ang nagamit sa naturang alahas na binansagang pambabastos sa mga bangkay at kultura ayon kay Roces at mga netizens na nag komento sa kaniyang post.
Binigyan diin ni Roces na hindi puwedeng “fashionable” ang pagsasama ng kamangmangan at kayabangan.
“Ignorance (blended with arrogance) can’t possibly be fashionable. GMA: shame on you,” giit ni Roces.
Wala pang tugon ang aktres sa mga naging kritisismo sa kanya ni Roces.