Hindi naging madali ang pagpapasya nina Angelika Hart at Aiko Garcia bago tanggapin ang oportunidad na maging Vivamax stars.
“Itong ginagawa namin is a big risk. Isang risk siya sa isang babae,” ani Angelica.
Nagdalawang isip aniya siya kung dapat pang ituloy ang pagganap sa pelikulang “Pantasya” dahil ayaw niyang magsisi sa huli.
“Dito sa Pantasya, pinag-isipan ko talaga ‘to ng sobra,” anito.
Para naman kay Aiko, ang pinakamalaking isinugal niya ay ang kanyang trabaho.
Ayon kay Aiko, ilang beses niyang tinanong ang sarili kung tama ang ginagawa niya.
“Hindi ko kayang i-risk yung professional job ko para rito. Pero nandito na ‘ko.”
Malaki ang pasasalamat ni Aiko sa mga taong nakapaligid at sumusuporta sa kanya.