Inabsuwelto ng Manila Regional Trial Court Branch 47 si Reina Mae Nasino, Ram Carlo Bautista, at Alma Moran sa kasong illegal possession of firearms and explosives bunsod nang pagkabigo ng prosekusyon ang kanilang “guilt beyond reasonable doubt.”
Sa desissyong may petsang Hulyo 17 na isinapubliko lamang kahapon, inihayag ni Manila Regional Trial Court Branch 47 Presiding Judge John Benedict Medina ang pagkakaloob niya sa hirit nina Nasino, Ram Carlo Bautista, at Alma Moran na demurrer to evidence.
“Therefore, the accused should be acquitted of the offenses charged. WHEREFORE, in light of all the foregoing, the Court hereby GRANTS the Joint Motion for Reconsideration filed by accused Ram Carlo Bautista y Paculba, Alma Moran y Estrada, and Reina Mae Nasino y Asis. The Court’s Order dated 21 June 2023 is SET ASIDE, and the demurrer to evidence is hereby GRANTED for insufficiency of evidence,” sabi sa desisyon.
Ang paggawad ng demurrer to evidence ay may kaparehong epekto ng pagpapawalang-sala.
Matatandaang naging kontrobersyal si Nasino, isang human rights worker, nang mamatay ang kanyang bagong silang na anak habang siya’y nakapiit sa Manila City Jail noong Oktubre 2020.
Hindi pinayagan ng mga awtoridad na makapiling ni Nasino ang kanyang sanggol sa piitan kaya’t nagkasakit ito hanggang bawian ng buhay noong Nobyembre 2020.