Kinompirma ng Philippine Coast Guard na 30 ang “casualties” matapos lumubog ang isang motorbanca sa Binangonan, Rizal bunsod ng malakas na hangit dulot ng Typhoon Egay.
Anang PCG , ang motorbanca na Princess Aya ay lumubog may 50 yards mula sa Barangay Kalinawan.
“At around 1 p.m., the motorbanca was hit by strong winds, causing all passengers to panic,” anang inisyal na ulat ng PCG
“They went to the port side of the motorbanca, causing it to capsize.”
May 40 katao ang nasagip habang 30 ang “casualties.”
Hindi pa batid kung ang tinawag nilang “casualties” ay mga nasawing pasahero.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations.