Nakahandang muling sumabak sa reality show “Pinoy Big Brother” ang aktres na si Km Chiu.
“Bakit hindi?” walang kagatul-gatol na tugon ng aktres nang tanungin kung willing siyang lumahok kapag nagkaroon ng “Pinoy Big Brother” all-winners edition matapos ang kanyang contract signing sa ABS-CBN.
Si Kim ang kauna-unahang winner sa PBB Teen Edition at nagbigay daan sa kanyang showbiz career.
Unang bumida ang aktres sa pelikulang “Tayong Dalawa” noong 2009 at nabigyan muli siya ng lead role sa “Paano Na Kaya” noong 2010.
“Maganda din ‘yon. Makikita nila sasabog ‘yung papanoorin nila. Baka stronger na tayo ngayon. ‘Yung 16-year-old self ko baka magulat sa 32-year-old self ko,” aniya.
Nais daw niyang makasama sa Bahay ni Kuya sina Melain Cantiveros, Maymay Entrata, Nene Tamayo Slater Young, Bea Saw at Keanna Reeves “Melai (Cantiveros), Maymay (Entrata).
Nako sasabog, magiging Bisaya, magkakaroon na ng subtitle ‘yung ‘PBB.’ Bea Saw pa, Nene Tamayo, sila Slater Young, ang dami. Keanna Reeves, nako mag-‘PBB’ Bisaya version na lang tayo.
Pero masaya ‘yun,” anang aktres.