Handa na ang Filipinas women’s football team na gulantangin ang mundo at umabante sa last 16 ng Women’s World Cup.
Gumawa ng kasaysayan ang Filipinas nitong Martes matapos umiskor ng 1-0 panalo kontra New Zealand, ang isa sa mga hosts ng pinakamalaki at pinaka prestihiyosong football event sa buong mundo.
Pero hindi nagtatapos rito ang paglikha ng kasaysayan at hangad ng ating mga lady booters na mas palawigin pa ang kanilang tsansa at tumulak papalayo.
Si Sarina Bolden ang kanuna-unahang Filipina player na naka-goal sa World Cup, matapos ang isang header sa Wellington at selyuhan ang panalo ng Pilipinas.
Buong bansa ang nagsaya sa makasaysayang pangyayaring ito.
Pero ayaw ng kanilang head coach na magpakasaya ng husto at mas gustong mag-focus sa kanilang final pool game laban sa Norway, ang world champions ng 1995.
“The job is not done,” ang sabi ni Alen Stajcic. “It’s very important we switch back into competition mode and think what we have to do in the last game to try and squeeze out of this group.”
“That’s such a monumental task, especially when it’s our third game in just over a week, so we have to recover physically and from the emotion.”
Kasalukuyang nasa rank 46 ang Pilipinas pero kaya nilang mas umabante pa.
Sa pamumuno ni Coach Statjcic, na nagsimulang hawakan ang koponan noong 2021, nagawang mag-qualify ng Filipinas sa World Cup sa kanuna-unahang pagkakataon matapos makarating sa semifinals ng Women’s Asian Cup noong isang taon.