Isang security guard na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nagbalik nang napulot na maletang naglalaman ng P1.9 cash at mga alahas
Nabatid sa Manila International Airport Authority (MIAA) na ang Airport Security Guard Mahmud Mastul ay nagsauli ng maleta sa mga awtoridad sa paliparan na may lamang alahas at cash na umabot sa P1.9-M na kanyang natagpuang abadonado habang siya’y naka-duty sa NAIA Terminal 1.
Sa ulat ng MIAA, noong 21 Hulyo 2023, habang nag-iikot sa NAIA Terminal 1 greeter’s area (Arrival Extension), napansin ni Mahmud Mastul ang isang nakatiwangwang na nitim na maleta at agad na ipinabatid sa MIAA Airport Police (MIAA-APD) at mga opisyal ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG).
Matapos inspeksyunin ang laman ng maleta ay kinontak ng MIAA Lost and Found Section ang may-ari na si Miguel Carpio, na bumalik sa paliparan para kunin ang naiwang maelta.
Nabatid na si Mastul ay naglilingkod sa NAIA mula pa noong 2016 at naitalaga sa iba’t ibang area sa paliparan
Sa kanyang 7 taong serbisyo ay unang pagkakataon niyang nalagay sa sitwasyon na nasubok ang kanyang katapatan.
“Kung hindi naman sa iyo, malaki man o maliit na bagay, kailangan mo i-surrender kasi hindi naman sa iyo ‘yung gamit na ‘yon. Hindi mo dapat pag-interesan ang hindi sa iyo. Kailangan isasauli sa tunay na may-ari ang gamit na ‘yon.” sabi ni Mastul.
“Ang mahalaga lang sakin ay maisauli ko ang kumpletong gamit na walang kulang. Kumpletong-kumpleto lahat ng gamit. Yun lang po,” dagdag niya.
Sinabi ni MIAA Officer-in-Charge Bryan Co na nakatutuwa ang honesty na ipinamalas ni Mastul at dapat siyang maging huwaran ng mga obrero sa NAIA.
“Mr. Mastul’s display of honesty by promptly reporting the incident not only sets a good example to his colleagues but also proves that our efforts to promote integrity and professionalism among airport workers are gaining ground at all levels of service,” ani Co.