Nagka-totoo ang hula sa lovelife ng aktor na si Marco Gumabao na magkakaroon siya ng kasintahang may anak na.
Ayon sa isang panayam kay MJ Marfori, ikinuwento ng aktor ang katawa-tawa niyang experience noong nagpahula siya at sinabi sa kanyang mai-inlove siya sa babaeng may anak na.
“Natawa ako kasi nung nagpahula ako, nagpahula ako once or twice pa lang sa buhay ko. Pero yung inihula sa akin, tawang-tawa ako, kasi sa love life, mai-in love daw ako sa taong may anak,” giit niya.
Matapos ang ilang buwan ay nagkatotoo ang hulang ito dahil ngayon ay karelasyon na niya ang aktres na si Cristine Reyes.
Matatandaang noong Abril ay inamin na ng dalawa na opisyal na ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post sa account ni Marco.
May pahayag naman ang aktor sa ikinwento nitong karanansan noong nagpahula siya.
“Ako naman, yung panghuhula, it’s not something that you have to take seriously as in kailangan mo siyang sundin or kung ano yung hula sa yo, you expect it to happen right away or yun talaga ang mangyayari,” sabi niya.
“Kumbaga, sometimes you can use it as a guide na parang kapag may nangyari sa buhay mo, tapos nangyari sa hula, ‘Uy, tumama!’ payo ng aktor.