Pa-exit na sa serbisyo publiko si Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano.
Ito ang umuugong sa apat na sulok ng Malakanyang kaugnay sa leave of absence na inihain ni Soriano bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang dahilan umano sa posibelng maagang pamamaalam ni Soriano sa gobyernong Marcos Jr. gaya ng pumalpak na P49-M “Love the Philippines” video ng Department of Tourism (DOT), paglalako niya sa health care workers sa “We give the world our best.The Philippines” ad campaign ng DOT sa London at ang pagtataray niya sa entertainment press sa mediacon ng Hollywood actress na si Vanessa Hudgens.
Tila nagiging kalakaran na ang pag-file ng leave of absence ng ilang opisyal ng administrasyong Marcos Jr. kapag mawawala na sa puwesto.
Tulad na lamang nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, dating Communications Secretary Trixie Angeles dating Presidential Management Staff Chief Naida Angping.