Solong rumampa ang aktres na si Barbie Forteza sa red carpet ng GMA Gala noong Sabado.
Marami ang nagulat nang malamang hindi kasabay rumampa ng aktres ang boyfriend nitong si Jak Roberto kaya’t nag-trending ito sa social media.
Sinagot naman ito ng aktres sa pamamagitan ng isang tweet at sinabing “What’s a girl gonna do? A diamond’s gotta shine,” na hango sa lyrics ng kanta ni Taylor Swift na Bejeweled.
Maraming netizens naman ang pumuri kay Barbie at sinabing tama lang naging desisyon niyang rumampa nang solo.
Samantala, sa interbyu ng Pep.ph, tinanong ssi Barbie at si Jak: “If you could have dinner with anyone in the world, who would it be and why?”
Sinagot agad ni Jak ang pangalan ni Barbie ng walang pag-aalinlangan. At sagot naman ni Barbie ay si Taylor Swift.
“Taylor Swift! Mygosh hihingi akong ticket!” aniya, kung saan marami ang naawa kay Jak dahil hindi pangalan niya ang sinagot ng aktres.
Usap-usapan rin ang pagpili ni Filipino actor Joshua Garcia kay Barbie bilang Best Dressed celebrity sa naganap na gala.
“S’ya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko ‘ang ganda ng dress nito,” ani Joshua nang tanungin ng GMA News Online kung sino sa palagay niya ang best dressed female celebrity sa event.
“S’ya yung nasa harapan ko kanina, sabi ko ‘ang ganda ng dress nito.”
Dagdag pa niya, “Hindi siya ganun ka-flashy pero at the same time, nandun yung pagka-elegante nung babae.”
Ang aktres ay may suot na mint ball gown na i-dinisenyo ni Ehrran Montoya.
Ni-retweet naman agad ni Barbie ang bidyo ng interview sa aktor at sinabing, “Tama ka naman diyan. Hahaha! Salamat!”