Komportable ang magiging buhay ng aktres na si Bea Alonzo kung sakaling siya ay hihintong mag-trabaho, pahayag niya sa isang panayam sa programang Fast Talk with Boy Abunda.
Tinanong ni Boy Abunda ang aktres kung kaya niya bang mabuhay nang simple kung titigil na siya sa pagta-trabaho at sagot naman ni Bea: “Sa tingin ko po Tito Boy, and I say it with humility – that I was able to work for more than 22 years now and I was able to save enough for myself and for my future family.”
Bukod sa maraming naipon ang aktres ay sandamakmak rin kanyang mga ari-arian at sinabing ipapamana niya ang mga ito sa kanyang ina kapag mag-aasawa na siya.
“Dun ko talaga na-appreciate yung learnings ko from my mom. Hindi namin masyadong na-inda, I’m one of the privileged ones who lived through the pandemic na komportable.”
Bukod rito ay nagawa rin raw nilang maibahagi sa ibang mga nangangailangan ang mga blessings na mayroon ang pamilya nila.
“Nung nagka-pandemya, dun ko talaga na-realize how important it is to save up for the rainy days, because during the pandemic, wala tayong trabaho, at iyon pa yung medyo dark time sa industriya natin diba? BIktima rin tayo nyan.”
Nagpapasalamat naman si Bea sa naging suporta ng kanyang pamilya at sa mga taong nagbigay ng mga oportunidad sa kanya sa industriya.