“Wala pang label, wala pa.”
Tugon ito ni Kapamilya actress Chie Filomeno kung ano na ang “label” ng relasyon nila ni Jake Cuenca.
Ipinaliwanag ng aktres na nag-e-enjoy siya sa pagiging single bagama’t aminado siyang pareho nilang hinahangaan ni Jake ang isa’t isa.
Si Chie ang cover sa pinakabagong isyu ng Cosmopolitan magazine.
Giit ng sexy actress, hindi naman kailangan magkaroon ng boyfriend para maging masaya.
Sakali man pumasok siya sa isang relasyon, ang gusto niya ay ito na ang makakasama niya habambuhay.“I’m enjoying my me time. You don’t need to be in a relationship to be happy.
A relationship for me is an investment. ‘Yung gusto ko sa tao na paglalaanan ko, ‘yun na ‘yun. Kasi we’re not getting any younger, so invest wisely,” sabi niya sa Cosmo story.
Ikinatuwa naman njya ang pagiging vocal ni Jake sa nararamdaman sa kanya dahil hindi naman lahat ng lalaki ay ganoon kabukas sa feelings nila.
“Actually flattering din ‘yung sinabi niya kasi hindi rin lahat ng lalaki ay vocal sa feelings nila. And I am happy na he is vocal sa feelings niya sa akin. And I do admire him also. As in sa mga interview na itinatanong sa akin I look up to him,” anang sexy actress matapos mapanood ang isang video ng panayam kay Jake sa “Magandang Buhay.”