Iprinisinta ng College Dean ng Environmental Studies ng Marinduque State College (MSC) na si Dr. Evangeline Mandia ang saliksik niyang nagsuri sa masasamang epekto ng mahigit dalawang dekadang operasyon ng Marcopper Mining sa probinsya ng Marinduque.
Sa pamagat na “Revisiting the Impacts to Livelihood and Human Health of the Marcopper Mine Disaster in Marinduque, The Philippines – 20 Years After” ay ipinakita ni Mandia ang naging research paper niya sa ginanap na 3rd International Conference on Indigenous Knowledge Systems and Practices sa Universitas Ahmad Dahlan (UAD) sa Yogyakarta, Indonesia mula Hulyo 5-7, 2023.
Ang conference ay inorganisa ng UAD, sa tulong ng University of South Africa, Unmuh Jember, at University of the Philippines Los Baños (UPLB), na nilahuka ng research scientists at eksperto mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Samantala, inilunsad ng MSC ang ika-67 na Commencement Exercises nito na may temang, “Molding Future and Industry-Ready Graduates: A commitment of the Marinduque State University” noong nakaraang Biyernes.
Bilang paghahanda sa taunang college-wide search para sa mga bukod-tanging personnel ng MSC, nagbigay pugay ang MSC sa faculty members nito sa isinagawang “Gabi ng Parangal 2023” na inihanda naman ng MSC College of Education.