Binigyan ng bagsak na grado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng iba’t ibang grupo ng healthcare workers sa kanyang unang taon sa poder.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang Filipino Nurses United (FNU), Alliance of Health Workers (AHW), at Health Alliance for Democracy (HEAD), sa kawalan ng malasakit ng administrasyong Marcos Jr. sa healthcare workers.
Habang para sa HEAD, ang rehimeng Marcos Jr. ay nanatiling manhid sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, hindi tumutugon sa mga kahilingan ng health workers at masyadong nalululong sa interes ng kanyang pamilya, cronies at local big business at foreign capitalists.
Ang diagnosis ng grupo sa rehimeng Marcos Jr. Isa itong “anti-people and pro-capitalists”.
Nabigo anila ang rehimen na tugunan ang chronic health problems gaya ng mataas na presyo ng mga gamot, at mahal na health care, malnutrition, at hindi naa- access na serbisyong pangkalusugan sa kabila ng mga pangako at pahayag ni Marcos Jr.
Hiniling rin ng healthcare workers na maipagkaloob na sa kanila ang long-delayed pandemic benefits, salary increase, at regularization ng contractual workers at solusyonan din ang malalang understaffing at kawalan ng health services.
Sinabi naman ni Jocelyn Santos-Andano, Secretary-General of FNU, walang makabuluhang aksyong ginawa para sa ikabubuti ng sitwasyon ng mga nars sa buong bansa.
“The situation has gotten worst now because those who have no plans to leave are now thinking of resigning,” ani Santos-Andano.