Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang mga legendary imports ng Philippine Basketball Association sa Las Vegas Summer League kung saan naglaro rito si Kai Sotto, ang inaasahan nating kaunaunahang Pilipino player na makakalaro sa NBA.
Naroon sina dating Alaska import Sean Chambers na sinamahan ng kanyang long-time teammate na si Jojo Lastimosa na champion head coach na ngayon TNT Tropang Giga sa PBA.
Si Jolas at si Chambers ay responsable sa pagdomina ng Alaska sa Asia’s pioneering professional basketball league noong dekada 90 kung saan nanalo sila ng siyam na championships, kabilang na rito ang grand slam noong 1996.
Sa kanyang pagbisita sa Amerika, hinihingan ng tulong ni Lastimosa si Chambers na mai-connect siya sa mga basketball agents kung saan naghahanap ang Tropang Giga ng import na makakahalili ni Rondae Hollis-Jefferson, ang reinforcement na gumiya sa kanilang koponan at talunin ang Barangay Ginebra sa kampeonato ng nakaraang PBA Governors’ Cup best-of-seven finals series.
Pero ang pagkikita ni Chambers at Lastimosa ay naging daan rin para ma-reconnect sila sa mga dati pang great imports ng PBA na sina Derrick Hamilton at ang pinsan niyang si Antonio Lang, na isa ring champion import na naglaro sa Red Bull noong 2001 at 2002.
Dating import rin ng Alaska si Derrick Hamilton, na naglaro ng dalwang seasons sa koponan at gabayan ang Milkmen papuntang Commissioner’s Cup finals subalit tinalo ng Sunkist na siyang tinulungan naman ni Ronnie Grandison.
Sa kasagsagan ng kampanya ng Alaska grand slam noong 1996, bumalik si Hamilton para sa isa na namang tour of duty para sa Milkmen, pero pinalitan siya ni Chambers matapos masangkot sa kontrobersiya kung saan nag-take siya ng banned substance at hindi na nakapaglaro muli sa PBA.
May 27 taon na ang nakalipas simula ng magsama-sama sa isang koponan, muling nanumbalik ang bonding nina Chambers, Lastimosa at Hamilton, kasama rin si Lang at naging tungtungan nila rito ang NBA Summer League.
Plano ni Lastimosa na dalhin sina Hamilton at Lang sa Pilipinas para tulungan ang TNT sa abot ng kanilang makakaya.
Involved pa rin si Hamilton kung saan nagtuturo siya player development habang si Lang, na nanalo rin ng National Championship sa NCAA sa paglalaro sa Duke University noong 1991 at 1992, naman ay kasalukuyang coach ng Atlanta Hawks matapos ang apat na taong pagko-coach niya kay Jordan Clarkson ng Utah Jazz, ang pambato ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.
Paniguradong mas titibay ang coaching staff ng TNT kung matutulungan ni Lang at Hamilton si Lastimosa sa mas modernong paraan ng pagsasanay sa mga players.