Naglunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) Mimaropa ng programa para sa parents of child laborers (PCLs) ng Romblon bilang parte ng sustainable livelihood program ng ahensya.
Limampung parents of PCLs ang makikinabang sa programa na may layuning maproteksyunan ang kapakanan ng mga kabataan ng Odiongan, Romblon.
HInikayat ni Kellen Esteves, focal person ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP), ang mga magulang na mas maging maalam sa iba’t ibang uri ng pagkakakitaan, kung saan binanggit rin niya na magbibigay ang kanilang ahensya ng sapat na training at tulong para sa mga balak magtayo ng kanilang sariling negosyo.
Ayon sa Public Employment Service Officer ng San Jose na si Luzil Jacalan, malaking tulong ang naturang programa para sa mga nais paunlarin ang kanilang hanapbuhay ngunit kinukulang sa resources.
“Capacity-building for the parents of child laborers is an avenue to open new opportunities and uplift the lives of their families…That’s why we work on this campaign to end child labor in our community,” aniya.
Nagpasalamat ang bise alkalde ng Odiongan na si Ronnie Samson para sa inisyatiba ng DOLE para sa parents of child laborers ng probinsya.
“Initiatives like this have a significant impact on addressing the plight of child laborers in our municipality, particularly in terms of empowering parents to make a change,” giit niya.
Kabilang sa mga tinalakay sa orentasyon ng programa ay Republic Act 9231 na sakop ang pagbabawal sa mga partikular na anyo ng child labor.