Hind na bago kay Ange Kouame, ang naturalized player ng Gilas Pilipinas, ang maglaro sa William Jones Cup.
Bilang miyembro ng Ateneo men’s basketball team sa UAAP noong mga nakalipas na taon, naglaro si Kouame sa Jones Cup kung saan kinalaban nila ang ilang national at club teams na kalahok dito.
Muling magkakaroon ng pagkakataon na makalaro sa Jones Cup ang 6-foot-10 na Ivorian-Filipino kung saan napili siya bilang maging import ng Rain or Shine, ang siyang magsisilbing representative ng Philippine Basketball Association sa prestihiyosong international invitational tournament.
Sa Jones Cup, magkakaroon ng pagkakataon si Kouame na muling makasama ang kanyang mga dating teammates sa Ateneo na sina Anton Asistio at Gian Mamuyac.
“When I got a call from (Gilas Pilipinas team manager) Boss Butch (Antonio), he told me if I can play and I immediately accepted it,” ang sabi ni Kouame. “Representing the country is close to my heart and I really wanted to go.”
Excited rin si Kouame na makatrabaho ang premyadong coach na si Yeng Guiao sa unang pagkakataon.
“I’m really, really excited,” added Kouame. “I’ve heard stories about Coach Yeng and it’s a blessing for me to play for him.”
Simula sa Martes, magsisimulang magensayo si Kouame sa koponan ng Rain or Sghine matapos pormal na pumirma ng kontrata nitong Biyernes bilang import ng Elasto Painters sa Jones Cup.
Ibig sabihin nito, hindi na rin makakasama si Kouame sa pagsali ng Gilas Pilipinas sa China kung saan lalabanan nila ang koponan ng Lebanon, Senegal at Iran.
Sisimulan ang Jones Cup sa 12 ng Agosto.