Charming pa rin ang datingan ng aktres na si Kim Chiu kahit mukhang basahan ang suot niyang damit sa presscon ng pinakabagong serye nitong Fit Check: Confessions of an Ukay Queen na nagsimulang ipalabas noong July 6.
Sa presscon ng bagong serye ng aktres ay inirampa niya ang mala-basahan pero makulay niyang suot na umani ng maraming likes at reactions nang i-post niya ito sa kanyang Instagram account.
Gagampanan ng aktres ang role ni Melanie Dela Cruz, isang tindera ng ukay na nangangarap maging isang fashion designer. Pero poot ang abot ng kanyang karakter nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay na naging sanhi rin ng pagkalubog sa utang ng kanilang pamilya.
Katambal niya sa serye ang aktor na si Jake Ejercito, at kasama rin sa cast sina Angel Aquino, Kylie Verzosa, Christopher De Leon, KaladKaren, Liza Lorena, Frenchie Dy, Leo Consul, Lie Reposposa, at Justine Luzares.
Mapapanood ang ukay series ng aktres sa Amazon Prime Video na co-produced ng ABS-CBN Entertainment at Dreamscape Entertainment.