Nais ng pamunuan ng PhilCycling na mag-host sa 2025 Asian BMX Championship at dalhin ito sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.
Ito ang magsisilbing tungtungan ng mga magagaling na siklitsa sa buong rehiyon para makasali sa International Cycling Union (UCI)-sanctioned BMX World Cup.
Ito ang tinatarget ngayon ni Cycling head at Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, kung saan nag-offer siya kay Asian Cycling Confederation (ACC) secretary-general Onkar Singh and UCI management committee member Datuk Amarjit Singh ng Malaysia sa huling araw ng 2023 Asian BMX Championships for Freestyle and Racing sa Tagaytay City BMX Park kamakailan lamang.
“With the success of this year’s Asian BMX championships, Tagaytay City is declaring its bid not only for the continental championships but also for the UCI World Cup in 2025,” said Tolentino, who’s also the mayor of Tagaytay City.
Mahigit sa 200 atleta at opisyal mula sa siyam na bansa ang lumahol sa kumpetisyon na ginawa sa loob ng tatlong araw.
Ang Asian BMX Championship ang siyang nagsilbing qualifying event para sa mga naghahangad mula sa Asya na makasali sa paparating na 2024 Paris Olympics.