Inamin ng aktres at singer na si Julie Anne San Jose na wala na talaga siyang inhibitions pagdating sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz at napatunayan iyan sa pelikulang “The Cheating Game” kung saan bida ang dalawa.
Ayon kay Julie Anne, masasabing daring and bolder ang pinaggagawa nila sa movie under GMA Productions, directed and written by Rod Marmol at dagdag niya, iyon na umano ang pinakapasabog at pinaka-intense na proyektong nagawa niya pero hindi naman daw siya nailang gawin ang mga intimate scenes nila ng kanyang dyowang si Rayver.
“Comfortable kasi ako kay Rayver. Nagpapasalamat nga ako na siya ang nakasama ko sa ‘The Cheating Game’. Siguro kung iba ang kasama ko, baka mailang talaga ako. Wala akong na-feel na awkwardness habang ginagawa `yon. Thankful ako na siya ang nakasama ko, dahil naramdaman ko kung paano niya ako alagaan,” sabi ng dalaga.
Sabi pa ni Julie Anne, super confident siya na hindi magloloko o magtsi-cheat si Rayver dahil malalim na ang foundation ng kanilang relasyon na nagsimula muna sa pagkakaibigan.
“Confident ako? Yes, oo, confident ako. And of course, Secure ako kasi, matagal na kaming magkaibigan. And I believe, friendship is the best foundation in any relationship. At tama rin ang sabi ni Winwyn (Marquez), best foot forward then makikilala mo. Dito, hindi na namin kailangang mag-pretend. Hindi na niya kailangang mag-pretend. Hindi ko na rin kailangan. And importante rin, ang compatibility and honesty sa isang relasyon,” saad ng dalaga.
Kasama rin sa “The Cheating Game” na ipapalabas sa mga sinehan sa July 26 sina Martin del Rosario, Paolo Contis, Winwyn Marquez, Thea Tolentino, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Jose Sarasola, Phi Palmos at marami pang iba.