Umani ng papuri mula kay Vice President Sara Duterte ang libreng serbisyong Legal na ibinibigay ng Persida Acosta Legal Advice (PALA) sa publiko na tinatangkilik ng maraming tao.
Sa kalatas na ipinadala ni VP Sara kay PAO chief Persida Acosta, ipinaabot nito ang pagkilala dahil aniya malaking bagay ang serbisyong legal na ibinibigay nito sa mga tao.
Aniya, mas lalong dumami ang nabibigyan ng tulong ng PALA dahil sa ito ay puwedeng kontakin through social media.
Ang serbisyong legal ay kagyat na napapakinabangan ng mga tao dahil accessible ito sapagkat nasa social media at kailangan lamang mag-online upang makakuha ng advise kung ano ang gagawin nila.
Ayon kay Acosta, kailangan ng mga tao ang kanilang serbisyo kaya mas pinapaigting niyo ang kanyang programa.
Humingi na rin ng taos-pusong paumanhin si Acosta makaraang sabihin ng Supreme Court na magpaliwanag siya sa pamumuna sa Section 22 Canon lll o ang conflict of interest sa CPRA na bagong regulasyon sa paghawak ng kaso ng PAO.
Batay kasi sa nabanggit na regulasyon puwede ng hawakan ng PAO ang kaso ng nagrereklamo at inireklamo.
Ayon sa SC dapat na sundin ito ng PAO para mas lalong makapagbigay ng serbisyong legal sa mga mahihirap na mga tao sa bansa.
Well, sa kautusang ipinalabas ni Acosta sinabi niya na dapat sundin ang bagong regulasyon kasabay ng paghingi ng paumanhin.
All is well that ends well, ‘ika nga.
Sana lamang ay hindi mangyari ang kinatatakutan na maging moro moro ang paghawak ng kaso.
God bless us all.