Mga laro ngayon
(GOR CLS Surabaya, Indonesia)
5 p.m. — Philippines vs Malaysia
7 p.m. — Indonesia vs Thailand
Mahirap man ang naging sitwasyon na kanilang sinuong bago tumulak papuntang Indonesia, handa ang Gilas Pilipinas under-16 team na ipagpatuloy ang kanilang pagdomina sa pagbubukas ng Southeast Asia Basketball Association (SEABA) na magsisilbing qualifying tournament para sa FIBA U16 Asian Championship sa Setyembre.
Sisimulan ngayon ng mga Batang Gilas ang kanilang kampanya kung saan nakasalalay sa kanilang mga kamay ang pagpapatuloy ng championship runs na napanalunan ng
mga dating teams na naglaro para sa national youth team, kabilang dito si Kai Sotto at AJ Edu, mga kasalukuyang miyembro ng Philippine men’s squad.
Haharapin ng mga Batang Gilas ang koponan ng Malaysia 5 p.m. bago ang sagupaan ng host team Indonesia at Thailand ngayong 7 p.m.
Ang Gilas Pilipinas ang reigning defending champions ng torneo simula ng magumpisa ang age-group tournament ng SEABA noong 2015.
Hangad ng mga batang manlalaro ni head coach Josh Reyes, anak ni Chot Reyes na siyang tumitimon sa men’s squad, na ipagpatuloy ang nasimulang tradisyon.
“I think everyone is focused at the task at hand. We will come in ready,” saad ni Reyes sa isang mensahe sa Daily Tribune.
Pero hindi naging madali para sa mga Batang Gilas ang kanilang pinagdaanan ilang araw bago sumampa patungong Indonesia.
Nasaktan ang kanilang premyadong sentro na si Paul Diao, ang 6-foot-5 Filipino player na nakabase sa Estados Unidos at naglaro para sa West Campus.
“He suffered a strained hip adductor near the groin area,” saad ni Batang Gilas team manager Dean Castano.
Bukod dito, problema rin ng mga Batang Gilas at pagkuha ng flight papuntang Indonesia at nitong Sabado lamang sila nakarating at derechong nagesanyo ng gabi
bilang paghahanda sa kanilang laban sa Malaysia.
Pero mataas pa rin ang kumpiyansa ng Batang Gilas, kabilang rito si Kieffer Alas, isa sa mga second generation players ng koponan.
Anak ng multi-titled coach na si Louie si Kieffer, na ang kapatid na si Kevin ay kasalukuyang star player ng NLEX sa PBA.
Bukod sa mayamang tradisyon ng pamilya sa larangan ng basketball, maagang nagkaroon ng international experience si Alas na sa edad na 12 ay naglaro na bilang import sa Muda Under-13 team ng Indonesia na lumaban sa 8th Asia Pacific Basketball Youth Cup.
Nitong taon lang, nabigyan rin ng pambihirang pagkakataon si Alas na mapabilang sa dalawang National Basketball Association-organized youth camps — ang NBA Academy Asia Development Camp sa Singapore at ang Basketball Without Borders in Asia in Abu Dhabi.
Nakita ni Alas na sa maigsing panahon, nagawa ng mga Batang Gilas na maka-develop ng magandang chemistry at bukod sa kanilang talento, ito ang magiging sandigan ng
koponan sa SEABA tournament.
“I think we have talented players in the team,” sabi ni Alas. “We have also established good chemistry in a short period of time that we were together.”
Isa ring second generation player si Ziv Gabriel Espinas, anak ng dating PBA player na si Gabby Espinas, at isa sa maituturing na pinakabatang player ng koponan. Katorse anyos pa lamang si Espinas, pero nais niyang sundan ang yapak ng kanyang ama na nanalo ring Rookie/MVP sa Philippine Christian University sa NCAA may dalawang dekada na ang nakakaraan.
Si Alas, Espinas at Diao ang ilan lamang sa maaring sandalan ng Batang Gilas pero kasama rin nila ang iba pang inaasahan ng koponan gaya nina Irus Chua, Alas’ teammate ni Alas sa La Salle Zobel, na nagawang makagawa ng record na 121 points sa isang laro bilang isang 10-year-old competitor sa Xavier School sa Milcu Sports Got Skills tournament.