Aminado ang sexy actress na si Apple Dy na bata pa lamang siya ay talagang nais na niyang sumabak sa mundo ng showbiz at inalala niya ang kanyang pinagdaanan bago siya nakarating ngayon sa kanyang kinalalagyan.
“Since before, since bata pa ako gusto ko na mag-artista talaga,” sabi ni Apple sa isang online interview at ayon sa dalaga, nagsimula raw siya bilang ramp and print ad model bago nabigyan ng non-speaking role sa isang teleserye noon.
“Actually, hindi po masyadong visible sa screen. Extra lang talaga…sa Tween Hearts nina Barbie Forteza and Bea Binene. Nasa elementary or high school pa yata ako noon,” sabi pa niya.
Ayon pa kay Apple, talagang hindi pa siya nag-focus sa showbiz dahil mas binigyan niya ng prayoridad ang sa modelling pero nang kumatok ang pagkakataon ay talagang binuksan at sinunggaban niya ito.
Ang pagkakataon na iyon ay ang pag-audition sa erotic reality show na Pantaxa Laiya ng Vivamax at dahil sanay naman umano siyang magpa-sexy sa modelling job, sinubukan na rin daw niya.
“Before kasi nag-try na ako mag-sexy ramp modelling. ’Yong talagang body paint lang [ang naka-cover] sa katawan. So, noong nagse-sexy na ako sa mga pictures, sa ramp modelling, naisip ko rin na why not try ko ang Vivamax? Na magpa-sexy rin doing erotic roles,” sabi ni Apple.
“Noong nag-audition ko sa Pantaxa, sabi nila all-out. So, ini-expect ko na din naman na ’yon ’yong gagawin and na-convince ko din naman ’yong sarili ko na kaya ko,” dagdag niya.
Pumabor naman kay Apple ang tadhana dahil isa siya sa mga aspiring sexy stars na napiling contestants although hindi siya pinalad na manalo sa dulo ng kompetisyon.
“Nandoon ’yong feeling ko na, s’yempre, kaya ka sumali hoping na manalo. Pero ’yon nga, nandoon sa sarili ko na tanggap ko siya, na ‘Okay, next time, I will do better.’ I accept din na ’yong mga pinakita ko, lalo na du’n s last challenge namin, may kulang talaga,” sabi ng dalaga.
Nabigo man sa reality show, masaya naman daw siya para kina Angelica Hart at Aiko Garcia na mga itinanghal na winners dahil deserved naman umano ng dalawa ang kanilang pagkapanalo.
“Sobrang proud ko sa kanila. Parang sisters ko na silang lahat… Happy ako for every one and noong nanalo sila sobrang proud ko din sa kanila,” sabi ni Apple.
Bagama’t hindi kasi pinalad manalo ay nabigyan pa rin ng pagkakataon si Apple na maging artista ng Vivamax at isa na siya sa pina-pirma ng kontrata ng Viva.
Dahil dito, desidido si Apple na mas i-improve pa ang sarili ngayong may nagtitiwala na sa kakayahan niya.