Kuwestiyonable ang pagpili ng mga pelikulang lalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya naman, hindi de-kalidad na ang mga nakakasali.
Iyan ang ilang lang sa maaanghang na komentaryo ng mga batikang showbiz writers/ hosts na sina Showbiz Ultra Maldita Alex Brosas at The Diva That You Love Alwin Ignacio sa kanilang programang D’ TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition sa Dyaryo Tirada Facebook page at You Tube Channel.
May dalawa paraan ang MMFF Selection committee sa pagpili ng walong pelikulang makakasali sa festival, ang unang apat ay batay sa script at at huling apat ay batay sa “finished movie.”
“How can you judge something that is invisible? Hindi mo pa Nakita ‘yung finished product, just by reading script, na-judge mo na “ay maganda ito.,” sabi ni Brosas.
“At saka kataka-taka, how will you screen ang isang script at sasabihim mong “ah may commercial appeal ito. Napaka-cinematic nyo palang mag-isip,” puna ni Ignacio sa MMFF selection committee.
“No wonder lahat nang napili nyong finished script ay walang kakuwenta-kuwentang lumalabas ang pelikula after nagawa na siya,” dagdag niya.
Paliwanag ni Ignacio, unfair ito para sa mga sumasaling finished film dahil kumpleto na ang rekado ng kanilang isinasali habang ang ibang napili ay script lang ang puhunan.
Giit naman ni Brosas, sa sistemang ipinaiiral ng MMFF, hindi ito festival of quality kundi festival of quantity.