Pinaiimbestigahan ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc ang umano’y “covert flights” na isinagawa ng US military planes sa Pilipinas dahil labag ito sa 1987 Constitution.
Sa isang kalatas ay kinompirma ni ACT Teachers Rep. France Castro na naghain ang Makabayan bloc ng House Resolution (HR) No. 1117 na humihiling na siyasatin ng House Committee on foreign affairs ang usapin “in aid of legislation.”
Ang tinukoy ng Makabayan bloc ay ang pagdating sa Manila ng US Air Force C-17 mula sa Andersen Air Force Base sa Guam at pagpunta pa sa Palawan bago umalus patungong Yokota Air Base sa Fussa City sa Japan; at ang paglapag ng isa pang US Air Force Boeing C-17 Globemaster transport aircraftNinoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hulyo 26.
“These ‘covert’ flights of US military planes all over the country, conducted without even the knowledge of airport authorities, are deeply troubling. It is clear that the EDCA [Enhanced Defense Cooperation Agreement] and VFA [Visiting Forces Agreement] have turned the entire Philippines into a de facto US military base, compromising our national sovereignty,” sabi ni Castro.
Maging si presidential sister Sen. Imee Marcos ay kinuwestiyon din ang pagdating sa bansa ng US military planes.
Ito aniya ang posibleng dahilan kaya dumarami ang mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Nilinaw ng US Embassy at ng Philippine Air Force na ang naturang flights ay may pahintulot ng Department of Foreign Affairs (DFA) at bahagi ito ng bilateral military exercises.###