Masyadong heart-breaking ang nakalap na balita ng ating source kahapon sa isang kampo militar.
Aba’y isang sundalo raw ang tinapos ang sariling buhay dahil pinaliguan ng mura ng isang kamag-anak ng mataas na opisyal na gobyerno.
“Si Madame kasi mahilig uminom. Ang kaso, bad trip yata siya ng gabing iyon at nang makita ang sundalo na nakapikit habang naka-duty, nilapita ito at pinagmumura,” sabi ng source.
Bagama’t may pagkakamali ang sundalo na napapikit habang naka-duty, hindi naman siguro mabigat na dahilan ito para siya’y alipustahin.
Hindi raw kayang lunukin ng matinong tao ang mga salitang lumabas sa bibig ng kamag-anak ng government official.
“Pag-uwi raw ng sundalo ay malungkot ito. Nagulat na lang ang kanyang mga kasama nang mabalitaan na nagpatiwakal siya,” dagdag ng source.
Clue:
Kilalang Andres de Saya ang government official na walang lakas ng loob na kontrahin ang anomang naisin ng kanyang “kamag-anak.”
Ang “kamag-anak” naman ay kilalang lasengga, matapobre at ilang beses na sumabit sa eskandalo ang mga kalahi.
Mahilig daw sa sibuyas ang kanyang utol habang sa fake video naman sumabit ang pamangkin.
‘Yun na!