Ano ba talaga ang dahilan bakit biglang lumolobo na ang fixers sa harap National Bureau of Investigation?
Ito pala ang problema ng NBI Clearance section na ginagawang baka ang mga kumukuha ng clearance ng mga fixer na sinasalubong agad sila sa gate pa lamang.
Sa rami ng naghahangad na magkaroon ng trabaho, nabibiktima pa sila ng mga fixer na kadalasan ay sumisingil ng serbisyong online application na dapat naman ay libre at sakaling magkaroon ng konting erroneous entry sa pag fill up ay nasisingil pa ng mga fixer na doble kung minsan 500 at kapag nagkamali ay panibagong P500 maging aabot pa sa halagang P3,000 pesos.
Ito ang nakarating na sumbong sa inyong lingkod.
Sa mga panayam sa mga bantay sa NBI at empleyeado ng NBI Clearance ay sinabing hindi naman nagkukulang ang opisina na bigyan ng babala ang mga aplikante na huwag makipag transaksyon sa mga fixer ngunit sa laki ng volume araw-araw na dumadagsa sa ahensiya ay wala silang choice kundi pumatol sa fixer upang mapabilis ang nilalakad nila.
Pabugso-bugso naman ang police operation kontra sa mga ito ngunit hindi sapat o hindi seryoso na linisin ang lugar na pinamumuguran ng tambak na fixers.
Minsan duda ng mga biktima, baka may pa koleksyon ang pulis sa kalakalang ito.
Ang nakakatawa ay ilang hakbang lamang sa UN Avenue ang bahay ng Manila Police District (MPD) headquarters kaya dapat ay mag isip ang mga kaukulang ahensya upang mabigyan ng solusyon.
Kung ako ang tatanungin, maaring lunas ay magsama-sama ang concerned government agencies para mabalangkas ang permanenteng solusyon upng hindi na rin makagulo sa mga kukuha ng clearance.
Dapat mag simula muna sa online inquiry at hindi na tatanggap ng walk-in applicant kung saan sa pamamagitan ng online registration ay mapa-mabibigyan na lahat kukuha ng clearance pero by appointment.
Isa pa rin ang pagkakaroon ng mga additional job order ang NBI na mga I.T. knowledgeable para sa mga applikante na hindi naman kagad marunong ng modern technology.
Siguro isama na rin ang Land Transportation Office (LTO) licensing at vehicle registration by schedule through online inquiry.
Sa mga hindi sisipot sa kanilang schedule appearance ay uulit. Para tantyado lang ang taong pupunta at hindi laksa na lahat ay gustong mauna. Sana mapakinggan ng mga kinauukulan.