Umaasa parin ang Pinoy basketball player na si Kai Sotto na makapaglalaro siya sa laban ng kanilang koponan kontra New York Knicks sa National Basketball Association Summer League sa Thomas & Mack Center in Las Vegas sa Huwebes.
Nananatiling ‘fingers crossed’ si Sotto matapos hindi mabigyan ng pagkakataong makapaglaro sa dalawang magkasunod na talo ng Magic laban sa Detroit Pistons (89-78) at Indiana Pacers (85-108).
Nagalit na naman ang Filipino fans sa naging desisyon ni Magic coach Dylan Murphy na hindi muna ilabas sa court ang 21-anyos na player.
“I’m just trying to show the coaches that I’m a good teammate and that I’m a good player. I’ll be ready whenever they call my name. I’ll be a positive guy on the corner, on the bench,” giit ni Sotto sa isang social media post.
Tiniyak ni Murphy na magkakaroon rin ng play time si Sotto.
“He’ll definitely get minutes. We’re just playing it by ear,” aniya.
Mula ng maging parte siya ng Magic sa Summer League ay hindi pa nakakapaglaro si Sotto.