Desidido na ang aktres na si Izza Calzado na ibalik ang dati niyang alindog matapos manganak .
“This is a new chapter in my body and self love journey,” anang aktres sa kanyang Instagram.
Isinapubliko ni Izza ang kanyang pagwo-workout upang ipaalala sa sarili na kahit gaano kalaki ang kanyang katawan, “it is worth taking up space on my feed.”
“It is also a way for me to honor where I am at, physically and mentally,” dagdag niya.
Hindi binanggit ni aktres kung magiging aktibo na ba siyang muli sa paggawa ng pelikula o teleserye kapag na[-achieve na niya ang gustong hitsura.