Naglalaban ang dalawang ‘laos’ at ginagamit pa ang namayapang aktor na si Rico Yan.
Mataray na komentaryo ito ni Ultimate Showbiz Maldita Alex Brosas sa programang D’TT Show sa Dyaryo Tirada Facebook page at You Tube Channel kasama ang The Diva That Tou Love Alwin Ignacio sa Sabado alas-kuwatro ng hapon.
Sa isang panayam kasi sa pep.ph ay isiniwalat ni Sabrina na naging magkarelasyon sila ni Yan at batid daw ito ni Claudine na alam ng publikong nobya ng aktor hanggang bawian ito ng buhay noong 2001.
May ginagawa umanong pelikula si Sabrina kaya nag-iingay ito, ayon sa dalawang batikang showbiz writers.
Habang si Claudine nama’y walang sawa sa paggamit sa namayapang boyfriend para mapag-usapan pero gustong idemanda si Sabrina sa paggamit daw sa kanyang pangalan.
Ang latest sa isyung ito’y, kinontra ng aktres na si Katrina Paula ang rebelasyon ng kaibigang si Sabrina na naging syota niya si Yan.