Natagpuang patay ang isang 51-anyos na Pinay sa isang pier sa Hong Kong noong Huwebes.
Ayon sa mga awtoridad ng Hong Kong, isang concerned citizen ang nakakita sa bangkay ng Pinay sa kanto ng Tsing Yi Public Pier bandang alas sais y medya ng umaga.
Agaran namang rumesponde ang mga Hong Kong firefighters sa lugar kung saan nakita ang naaagnas na katawan ng biktima.
Naka-recover rin sila ng isang ID pero hindi pa pinapaalam sa publiko kung ito ay pagmamay-ari ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon kung murder o aksidente lamang ang dahilan sa pagkamatay ng biktima.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Migrant Workers Office sa Hong Kong authorities tungkol sa pagpapadala sa katawan ng biktima pabalik ng bansa at pagtulong sa pamilya nito.
Sa kasalukuyan ay naghihintay ang Philippine Consulate General sa Hong Kong ng kumpletong police report sa nangyaring insidente.