Lahat ng 50 kagawad ng District Intelligence Operations Unit ng Manila Police District ay sinibak matapos maisapubliko ang CCTV footgae na limang miyembro nila ay ninanakawan ang isang computer shop sa Sampaloc, Manila at pinagtangkaan pang kikilan ang may-ari.
Ayon sa ulat ang limang pulis na kinilalang sina Staff Sergeant Jan Erwin Isaac, Staff Sergeant Ryann Paculan, Corporal Jonmark Dabucol, Patrolman Jhon Lester Pagar at Patrolman Jeremiah Pascual, pawang hindi mga nakauniporme, ay nagpunta sa computer shop na Herminigildo Mateo, 73, noong Martes ng gabi.
Nagpakilala umanong mga pulis ang mga suspect at sinabing nagsasagawa sila ng operasyon laban sa online gambling at kinuha ang P44,000 cash ng may-ari at nag-demand pa ng P4,000 weekly protection money na kanilang kokolektahin tuwing Biyernes.
Sasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang limang pulis na sa kasalukuyan ay pinaghahanap ng kanilang mga kapwa pulis.