Tagisan hindi lang sa aktingan kundi maging sa kaseksihan
ng mga beteranang aktres ang matutunghayan ng publiko sa
apat na pelikulang kalahok sa 2023 Metro Manila Film Festival
(MMFF).
Sa apat pa lang na entries sa MMFF ay nagulat na ang
lahat dahil tiyak na maglalaban, hindi lang sa takilya kundi sa
paghakot ng awards, ang mga pelikulang A Mother and Son’s
Story nina Sharon Cuneta at Alden Richards; (K)AMPON
nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay,Penduko nina Cristine
Reyes at Matteo Guidicelli; at Rewind nina Marian Rivera at
Dingdong Dantes.
Pinangunahan ng respetadong producer at industry stalwart
Jesse Ejercito ang MMFF Selection Committee na pumili sa
entries mula sa mga isinumiteng script.
“I thank the members of the MMFF Selection Committee for
dedicating their time and effort in the thorough deliberation
and selection process to choosing the initial set of quality films
that moviegoers will surely love,” ayon kay MMDA Acting
Chairman at MMFF Concurrent Chairman Atty. Don Artes.
Habang apat na natitirang official entries na kukumpelto sa
MMFF 2023 ay magmumula sa mga isusumiteng finished film.
Itinakda ang deadline sa finished film submission sa 29
SEtyembre 2023.7.12
Mapapanood sa mga sinehan sa Metro Manila ang walong
pelikulang kasali sa MMFF mula Disyembre 25, 2023 hanggang
Enero 2024.