Talagang may pera sa basura.
Ibinisto ng Commission on Audit (COA) na gumasta
ng Php3.3 bilyon ang Metro Manila Development
Authority (MMDA) para sa mga kontrata sa paghakot
ng basura.
Sa 2022 COA report, nakasaad na mas malaki ang
halagang ginastos noong 2022 kaysa sa P3.2 bilyon na
ibinayad sa mga contractor noong 2021.
Anang COA, maaaring hindi makabuluhan ang
pagtaas sa mga gastos para sa Environmental/Sanitary
Services mula 2021 hanggang 2022.
Ayon sa COA, gumastos ang MMDA ng P1.8 bilyon
noong 2018 at sa loob ng apat na taon tumaas ang
halaga ng P1.5 bilyon o 83.6%.
Kung ikukumpara ang mga numero, sinabi ng COA
na ang pinakamalaking pagtaas ay nangyari mula 2019
hanggang 2020 na may pagkakaiba na P824 milyon.
Nagbabala ang komisyon na ang pagbuo ng solid
waste sa Metro Manila ay lalala lamang sa mga
darating na taon, batay sa mga numero sa municipal
solid waste sa Annual Audit Report nito sa MMDA.