‘Di ba kayo nakakapansin ng kakaibang kasiglahan sa inyong mga barangay? Sa amin sa Frisco kung saan sabi
nga ng kantang “Annie Batongbakal na Taga-Frisco” ay kasing sigla na, ng sikat na awitin ng ‘Hotdog’.
Bakit ka ‘nyo? Eh parang nagsimula na ang Barangay at Sangguniang Kabataan
elections. Araw-araw at maging sa gabi, ay may tumpukan na, mapa-bata matanda man.
Laman ng usapan kung sino angpipiliing maging “Barangay Kupitan”, oh no! Barangay Kapitan pala, at mga magiging
karapat-dapat na kagawad. Ganun din ang sa SK. Masigla dahil, naka-uniporme na ang mga maagang nakapag-buo ng ticket ika
nga. Naglalakad nang sabay-sabay para mapansin mong ito ang mga kandidato sa darating na halalan sa Oktubre.
Makikita mo sila, sa mga birthday party o burol ng patay (mahirap nga lang tanggapin na kung pula
ang kulay ng kanilang uniporme), nakikisalo at tumataya ng pang-inum at pulutan, o kaya naman ay may dalang
mga kape at tinapay na pang-lamay.
Ganyang, kaagap o kaaga ang pangangampanya sa halalang barangay, wala pa nga ang filing ng certificate
of candidacy, nagpopormahan na. Kaya nga gusto ng ating mga mambabatas na
ma-postpone ito, dahil sila agad ang sugatan dito pag- eleksyong barangay. Bakit ka ‘nyo? Sila ang unang
nilalapitan ng mga kandidato para pondohan ang kanilang kandidatura. Kapalit ng ibibigay na suporta
nila kay, congressman, governor, mayor, konsehal atbp. o’ lahat nang lumapit sa kanila noon para kunin ang
kanilang boto at suporta. ‘Payback time’ ika nga, na kung minsan ikinaiipit ng
politiko dahil sa dami ng kanyang nalapitan noong siya naman ang kumakandidato.
Dito papasok ang personalan na namamagitan sa kakandidato sa barangay
at sa naipanalong politiko. Mahirap ito, dahil kung di ka sumuporta noon, di ka rin
susuportahan ngayon.
G a n y a n d i n a n g m i s m o n gmagkakabarangay, personal din ang
samahan at pagtitinginan. Kung di mo natutulungan, paano ka tutulungan?
Kahit magkadugo o pagiging magka-mag-anak ay
napupunit ng eleksyong ito.Makikita mo yan, kung saan sumasama ang kaanak ng kumakandidato, kung
buntot-buntot niya ang mga ito, wala pang napupunit na samahan. Parehas din yan, nangyayari sa
mga magkukumpare at mare. Walang bawian kahit na matapos na ang eleksiyon.
Ang dahilan, alam ‘nyo ba? Ang ugat ng kasamaan – pera. Pera ang maghahari sa labanang ito gaya ng
lahat nghalalang naganap na, mapa-nasyunal o lokal pa. Kung ang pagiging lokal na opisyal ay nangangailangan
ng milyon-milyong piso, ganun din ang gastos ng kakandidato sa BSK elections.
Sabi nga ng marami kong kaibigan barangay kupitan. Este! kapitan, “sulit naman ang gastos” pagnanalo. Ganun
din siguro sa mga nanalong pulitiko. Bakit ka ‘nyo?