Ibinisto ni Iggy Javellana sa Facebook na ang
kompanyang nakasungkit ng P3-M contract na Printplus
Graphic Services ay “dubious” umano, walang social media
presence, maging ang may-ari nito na si Francisco Doplon.
“Multiple people have already flagged the “Advertising
Agency” that won the bid for the logo as dubious at best–
having no social media presence at all, and no website. I mean
seriously, what kind of ‘advertising agency’ doesn’t have AT
LEAST a Facebook page, or even a working website??? RED
FLAG if you’re looking for an agency to handle your brand /
company! Would YOU agree to having an agency who doesn’t
even have their own FB Page??” ani Javellana.
Nanalo aniya sa bidding para sa naturang proyekto ang
kompanya ni Doplon noong 27 Hunyo 2023 at matapos ang
dalawang linggo o noong 11 Hulyo 2023 ay inilunsad na ng
PAGCOR ang logo sa publiko.
Ayon naman sa pagsasaliksik ng Pinoy Money Page , may
isang kompanyang Printplus Graphic Services sa Facebook
ay may description bilang “ready mixed concrete supplier”
sa Pilipinas at may 363 likes.
Matapos anitong I-post sa Facebook ang natuklasang
detalye, binago ang description at inilagay ay “Helping you
bring your ideas to life and make a lasting impression with
exceptional design.”
“A quick search on the DTI website shows a “PrintPlus
Graphic Services” business registered on March 24,
2021. Since it is registered with the DTI, it appears that
PrintPlus Graphic Services is not a corporation, but a sole
proprietorship, and there’s only one owner or proprietor and,
in this case, is allegedly a certain Mr. Francisco Doplon,”
ayon sa Pinoy Money Talk.
Sabi naman ng Impact Leadership page, ang registration
ng Printplus Graphic SErvices ay inapribahan lamang ng
Philippine Government Electronic Procurement System
(PhilGeps) noong 14 Hunyo 2023.
Ibig sabihin, matapos ang dalawang linggo ay nakakuha
agad ito ng P3-M logo contract sa PAGCOR.
Sinabi ng source sa PAGCOR, may mga empleyadong
labis na nagtaka kung bakit kailangan baguhin ang kanilang
logo.
Kung logo lang naman din ang pag-uusapan , kayang-
kaya aniyang gawin ito ng creative artist ng PAGCOR
kaya’t hindi na kailangang gumastos ng tatlong milyong
pera ng bayan