Maraming nagdiwang sa umano’y “kaluwalhatian” ng Agrarian
Emancipation Act, na kilala rin bilang Republic Act No. 11953 (RA 11953),
kahit na sa katotohanan ay nananatiling dose-dosenang mga batas sa
reporma sa lupa at mga executive order ay hindi nagpalaya sa mga walang
lupang magsasaka.
Ang RA 11953 ay naglalayong pagtakpan ang kasalanan ng mga nagdaang
rehimen sa lumalalang kawalan ng lupa sa buong bansa.
Una mula sa mga huwad na layunin ng Presidential Decree No. 27
hanggang sa topsy-turvy na pagpapatupad ng RA 6657, ang kahina-
hinalang voluntary option to sell (VOS) at direct purchase scheme (DPS)
na nauwi sa paglilipat ng “pagmamay-ari” ng lupa sa mga empleyado
ng mga panginoong maylupa, kanilang mga kamag-anak at kanilang
mga goons. Ang isa pang batas na nagpalawig sa RA 6657 ay hindi
nakalunas sa mga problema sa istruktura ng Comprehensive Agrarian
Reform Program (CARP.)
Ang RA 11953 ay isang pag-amin na ang utang ng mga agrarian reform
beneficiaries (ARBs) para sa land amortization ay hindi mababayaran, kung
saan 17% lamang ng mga magsasaka ang makakapag-amortize sa gobyerno
para sa kanilang 30-taong utang sa 6% kada taon. Ang mga magsasaka na
sakop ng condonation ay dapat may natitirang utang bago ang Disyembre
31, 2022.
Mahigit 7 milyong magsasaka sa 7 milyong ektarya ng mga lupang pang-
agrikultura ang hindi sakop ng CARP.
Ang kakuparan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ay humantong
sa daan-daang libong magsasaka na naghihintay ng ilang dekada upang
magkaroon ng mga survey sa mga landholding na sakop ng CARP. Dagdag pa
rito, ang pangunahing bahagi ng CARP, ang land acquisition, and distribution
(LAD) program, ay nag-expire noong Hunyo 30, 2014,.
Matagal nang pinupuna ng farmers groups ang mga scheme ng
korporasyon ng CARP tulad ng mga pagsasaayos ng agribusiness venture na
nag-aalis ng epektibong kontrol mula sa mga ARB sa kabila ng pagpapanatili
ng kanilang nominal na pagmamay-ari sa lupa.
Ito anila ay nagpapahintulot sa big landowners na labagin ang intensyon
ng redistribution.
Ang mga alitan sa lupa anila sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac,
ay isang klasikong kaso ng pagpupursige na humantong sa pamamahagi
ng DAR ng mga titulo ng lupa sa 450 magsasaka sa 200-ektaryang estate.
Nabigo anila ang DAR na lutasin ang iba pang mga vintage land cases,
kabilang ang landholdings sa ilalim ng Araneta Estate sa San Jose Del Monte
City sa Bulacan na mahigit sa 300 ektarya, ang presidential brother-in-law
na si Gregorio Maria “Greggy” Araneta III at ang kanyang mga kamag-anak
ay nag-claim ng pagmamay-ari nito.
Saklaw ng iba pang alitan sa lupa ang Lupang Ramos sa Cavite, Hacienda
Luisita, at Hacienda Murcia sa Tarlac gayundin ang mga kaso sa reserbasyon
ng gobyerno, kabilang ang Dumarao Stock Farm sa Capiz, Fort Magsaysay
sa Nueva Ecija at Central Mindanao University sa Bukidnon.
Maraming mga landholding na exempted sa pamamahagi sa ilalim ng
CARP ang naghihintay rin sa desisyon ng DAR.