Binigyang importansiya ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng “Research and intelligence sector” sa pagpapalakas ng katatagan ng bansa sa mabilis na paglago ng digital economy.
Ganito ang binitawang salita ni VP Sara sa launch ng Capstone-IntelCorporation Grand kung saan malaking bagay ang ginagawa nito sa kasalukuyang pagtutok ng bansa sa research and intelligence sector upang mas mapalakas ang katayuan ng bansa sa gitna ng mabilis na pag-inog ng digital economy.
Malaking bagay naman talaga ang target ng korporasyon ito na makipag-partner sa iba’t ibang organisasyon para sa kumbersiyon ng datos para actionable intelligence upang ito ay mapataas para magamit sa pinagsamang impormasyon upang mas mapataas ang pagsasagawa ng desisyon at estratehiya para magamit ng mga negosyong Filipino, institusyon at ahensiya ng pamahalaan.
Sa pananaw ni Sara, bukod sa pagiging VP ay secretary ng Department of Education (DepEd), habang tinitingnan ang patuloy na pagtaas ng big data analytics, kailangang payabungin ang merkado nang sa gayon ay mapalakas ang pagtugon ng pamahalaan sa pagbabago, krisis at security risks.
Aniya, “May we embrace technological advancements and leverage data analytics for improved governance,inclusive growth, and sustainable development.”
Ang Capstone-Intel Corporation ay tinitingala bilang high-impact research and intelligence company sa paggamit ng innovative research technologies, tools and methods to convert data and information into breakthrough insights and actionable intelligence outputs.
Malaki ang impact ng okasyong dinaluhan ng Bise-Presidente ng bansa dahil binigyang pansin dito ang kahalagahan ng pagsasaliksik at ang tinatawag na actionable intelligence para mabigyan ng mabilis na benepisyo ang bansa tungo sa pag-unlad.
Sinaksihan din ang okasyon nina Senators Robin Padilla, Win Gatchalian, Koko Pimentel, at Alan Peter Cayetano.
Sinoportahan naman ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya ang mga eksperto ng Capstone-Intel.
Sa kasalukuyan, ayon sa grupo, ang kulang sa policy-making ng bansa ay ang kakapusan ng “actionable intelligence, pagsasaliksik at lack of evidence based decision-making.
Ayon kay Malaya, sa tagal niya sa pamahalaan, 25 years, hindi siya nakakita ng maraming research para masuportahan ang public policy.
Kaya ang tingin niya, mapupunuan ng Capstone-Intel ang kahinaan ng bansa sa aspetong ito.