“I’ve had an age-gap relationship where my older partner was super controlling and I felt suffocated.”
Rebelasyon ito ng aktres na si Louise delos Reyes sa presscon ng six-part series “Deadly Love” sa Botejyu Gateway Mall in Quezon City.
“Darating ka sa point na gusto mo ng mamatay pero masyadong mahal ko ang buhay ko at career ko. Naka-recover naman ako,” anang aktres..
Simula ngayon, Hulyo 10, mapapanood ang serye sa Viva One sa direksyon ni award-winning filmmaker Derick Cabrido at kinatatampukan din nina Marco Gumabao, McCoy de Leon, at Jaclyn Jose.