Magkakaroon ng remake ang blockbuster movie nina Mega Star Sharon Cuneta at Robin Padilla na “Maging Sino Ka Man.”
Pero television series at hindi pelikula ang remake nito na ang magiging bida ay sina Barbie Forteza at David Licauco.
Kung sina Showbiz Ultra Maldita Alex Brosas at The Diva That You Love Alwin Ignacio ang tatanungin, mukhang hindi angkop sina Barbie at David sa gagampanan nilang role sa serye.
“Masyadong mataas ang Maging Sino Ka Man kaya’t mahihirapan silang I-replicate ito.Unang -una miscast siya. Walang angas si David na katulad ng kay Robin Padilla,” sabi ni Brosas sa D’ TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition Show nila ni Ignacio.
Habang si Barbie naman anila ay walang movie na nag-hit at hindi pang lead star ang acting.
“She doesn’t have the makings of a big star,” wika ni Brosas.
“Wala siya kasing karisma gaya nina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Dina Bonnevie.”